Monday, October 27, 2014

Pasasalamat

Mga Ginoo:

Lubos akong nagpapasalamat sa lahat ng inyong nagawa. Di mana nakabuti lahat, napakadami naman nitong nagawa para samin. Una, salamat sa pagpapakila sa mga laro sa amin. Salamat dahil kahit papaano'y nabigyang sigla at saya ang aming mga buhay. Kung hindi dahil sa jnyo, malamang kami'y mga nakatunganga lamang sa isang tabi, naghihintay sa paglipas ng panahon. Pangalawa, salamat sa mabubuting nagawa niyo para sa amin. Salamat dahil madami kayong ginawang mga katangi tanging bagay na kailanma'y di namin malilimutan. Patawad kung kami ma'y may nagawang ikinasama at ikinagit niyo. Sana'y magpatuloy ang pagkilala ng mga tao sa inyo. Salamat sa lahat lahat. Hindi namin kayo makakalimutan.

Lubos na nagpapasalamat,
Phia Grace G. Poblete

Blog 2

 Ang mga ideya katulad ng pagligid ng mundo sa araw ay hndi masyadong pinagtutuunan ng pansin ng marami dahil ito ay natural na sa ating buhay ngunit ito ang dahilan kung bakit mayroong umaga at gabi. Importante ito dahil nakaaapekto ito sa produkto na nalilikha sa ating lugar upang makatulong sa ekonomiya ng bansa. Kumuha lamang sila noon ng ikabubuhay sa pangangaso. Nang matuklasan nila ang bato at metal, natutunan nila kung paano ito maaaring gawin bilang isang sandata.  Natuklasan din nila ang pagtatanim at pagsasaka.