Mga Ginoo:
Lubos akong nagpapasalamat sa lahat ng inyong nagawa. Di mana nakabuti lahat, napakadami naman nitong nagawa para samin. Una, salamat sa pagpapakila sa mga laro sa amin. Salamat dahil kahit papaano'y nabigyang sigla at saya ang aming mga buhay. Kung hindi dahil sa jnyo, malamang kami'y mga nakatunganga lamang sa isang tabi, naghihintay sa paglipas ng panahon. Pangalawa, salamat sa mabubuting nagawa niyo para sa amin. Salamat dahil madami kayong ginawang mga katangi tanging bagay na kailanma'y di namin malilimutan. Patawad kung kami ma'y may nagawang ikinasama at ikinagit niyo. Sana'y magpatuloy ang pagkilala ng mga tao sa inyo. Salamat sa lahat lahat. Hindi namin kayo makakalimutan.
Lubos na nagpapasalamat,
Phia Grace G. Poblete
Monday, October 27, 2014
Blog 2
Ang mga ideya katulad ng pagligid ng mundo sa araw ay hndi masyadong pinagtutuunan ng pansin ng marami dahil ito ay natural na sa ating buhay ngunit ito ang dahilan kung bakit mayroong umaga at gabi. Importante ito dahil nakaaapekto ito sa produkto na nalilikha sa ating lugar upang makatulong sa ekonomiya ng bansa. Kumuha lamang sila noon ng ikabubuhay sa pangangaso. Nang matuklasan nila ang bato at metal, natutunan nila kung paano ito maaaring gawin bilang isang sandata. Natuklasan din nila ang pagtatanim at pagsasaka.
Sunday, July 13, 2014
Mga Natutunan: Heograpiya at Daigdig
Una naming pinag-aralan sa Araling Panlipunan ang heograpiya ng daigdig. Ang heograpiya ay pag-aaral ng pisikal na katangian ng anyong lupa at gawain ng mga taong nabibilang dito. Ito ay nagmula sa salitang geo na ang ibig sabihin ay daigdig at graphia na ngangahulugang paglalarawan. Pinagaralan namin ang apat na pangunahing bumubuo aa daigdig, kabilang na ang crust, core, plate at mantle. Tinalakay din namin ang latitude, longitude, prime meridian at equator na nakatutulong sa pagtukoy ng lokasyon ng isang lugar. Amin ding tinalakay ang limang tema ng heograpiya. Ito ang lugar, lokasyon, relihiyon, paggalaw at interaksyo ng tao sa kanyang kapaligiran. Pinagaralan din namin ang heograpiyang pantao na kinabibilangan ng pinagmulan ng wika, rekihiyon ng tao, lahi at pangkat-etniko.
Subscribe to:
Posts (Atom)