Sunday, July 13, 2014
Mga Natutunan: Heograpiya at Daigdig
Una naming pinag-aralan sa Araling Panlipunan ang heograpiya ng daigdig. Ang heograpiya ay pag-aaral ng pisikal na katangian ng anyong lupa at gawain ng mga taong nabibilang dito. Ito ay nagmula sa salitang geo na ang ibig sabihin ay daigdig at graphia na ngangahulugang paglalarawan. Pinagaralan namin ang apat na pangunahing bumubuo aa daigdig, kabilang na ang crust, core, plate at mantle. Tinalakay din namin ang latitude, longitude, prime meridian at equator na nakatutulong sa pagtukoy ng lokasyon ng isang lugar. Amin ding tinalakay ang limang tema ng heograpiya. Ito ang lugar, lokasyon, relihiyon, paggalaw at interaksyo ng tao sa kanyang kapaligiran. Pinagaralan din namin ang heograpiyang pantao na kinabibilangan ng pinagmulan ng wika, rekihiyon ng tao, lahi at pangkat-etniko.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment